Ang Kabihasnan o sibilisasyon ay isang yugto sa pagunlad ng isang lipunan . Upang matawag na sibilisado ang isang lipunan kailangang taglay nito ang mga sumusunod .
- May sapat na tao na tiyak ang gawaing ginagampanan
- Pag-aantas ng lipunan
- Ang pagkakaroon ng mga lungsod
- Ang pagtatag ng maunlad na sistema
- Pagkaroon ng sistemang pagsulat
- Pagkaroon ng paniniwala at kaugalian
Sa aking blog , tatalakayin ko ang mga sinaunang kabihasnan .
Kabihasnan sa Mesopotamia (Ang unang kabihasnan )
Heograpiya
- Hilaga - Kabundukang Taurus
- Silangan - Kabundukang Zagros
- Timog- Disyerto ng Arabia
- Timog-silangan - Golpo ng Persia
Ang Mesopotamia ay galing sa salitang Griyego na ang kahulugan ay "lupain sa pagitan ng mga ilog" . Ang mga ilog na tinutukoy dito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates . Dahil sa mga ilog na ito , mataba ang lupain ng Mesopotamia kaya ay tinawag itong Fertile Crescent .
 |
Mapa ng Mesopotamia o Fertile Crescent |
Mga Lungsod-estado ng Sumer
Lumipas ang panahon , nabuo ang mga lungsod-estado ng Sumer , ito ay ang Ur , Uruk , Kush , Lagash at Umma . Binuo ito ng mga maliliit na pangkat ng magsasaka na nagsanibsanib .
 |
Ur |
 |
Uruk |
 |
Lagash |
Ang unang tagapamahala ng mga sumeryano ay mga pari at sila ay naninirahan sa mga templo na tinatawag na
Ziggurat .
 |
Halimbawa ng isang Ziggurat |
Dulot sa madalas na pakikidigma , napalitan ang mga pari ng mga mandirigma na kalaunan ay naging mga hari .
Napangkat sa apat ang lipunan ng Sumer . Ang mga nasa itaas kagaya ng mga pari at hari ay nasa unang pangkat . Ang ikalawang pangkat ay nabubuo ng mga mayayamang mangangalakal . Ang ikatlong pangkat naman ay buo ng mga magsasaka at artisano . Ang pinakababang antas , ang ikaapat na pangkat ay ang mga alipin .
Ang mga Unang Imperyo
Akkadian - Nasakop ang mga lungsod ng Sumer ng mga Akkad . Pinamunuan ito ni Sargon the Great . Lumawak ang sakop ng Akkad at ito ang naging unang imperyo . Nagtagal ito ng 200 taon .
 |
Sargon The Great |
Babylonian - (2000 BCE) May bagong mananakop naman ang Mesopotamia . Sila ay ang mga Amorites na nagtatag ng Babylon . Nakamit ng mga Babylonian ang kapangyarihan sa ilalim ng panununo ni Hammurabi sa pagitan ng 1792 hanngang 1750 BCE .
 |
Hammurabi |
Assyrian - (850 hanggang 650 BCE) sinakop nila ang Mesopotamia , Egypt at Anatolia . Hindi nagtagal ang kanilang imperyo dahil nagalsa ang kanilang nasakupang mamamayan dahil na rin sa kanilang kalupitan .
Pagsapit ng 612 BCE , tuluyan na nagwakas ang imperyo ng talunin ito ng puwersa ng Chaldean .
Chaldean - Itinatag nila ang kanilang kabisera sa Babylon at hari nila si Nebuchadnezzar na gumawan ng Hanging Garden of Babylon .
Relihiyon
Ang mga Sumeryano ay may poletiestikong pananampalataya . Ibig sabihin ay marami ang kanilang paniniwala at Diyos . Meron silang mahigit 3000 Diyos .
Ilan sa kanila ay sina :
- Enlil - diyos ng hangin at mga ulap
- Shamash - diyos ng araw na nagbibigay kaliwanagan
- Inanna - diyosa ng pagibig at digmaan
- Udug - tagapaghatid ng sakit , kamalasan at gulo
- Anu - diyos ng langit
- Enki - diyos ng tubig at kaalaman
- Nanna - diyos ng buwan
- Ninlil - asawa ni Enlil , diyosa ng hangin
- Ninurta - diyos ng digmaan
- Utu - diyos ng araw
- Ninhursag - diyosa ng mga bundok
 |
Diyos ng mga Sumeryano |
Sistema ng Pagsulat
- tinatawag na
cuneiform , sinusulat ito ng tabletang putik gamit ang isang
stylus .
 |
Cuneiform |
Matematika
- nilikha ng mga Sumeryano ang sexagisimal , isang sistema ng pamilang na nakabase sa bilang na 60 .
Kabihasnan sa Egypt
- Ang Egypt ay nasa kanluran ng Mesopotamia . Hindi pangkaraniwan ang lokasyon ng Egypt dahil pinaligiran ito ng mga disyerto . Kung ang Mesopotamia ay pinaligiran ng dalawang ilog , ang Egypt naman ay may Ilog Nile sa gitna .
Heograpiya
- Silangan - Disyerto ng Sinai
- Timog - Disyerto ng Nubia
- Kanluran - Disyerto ng Sahara
 |
Disyerto ng Sahara |
Nakasentro sa pagsasaka ang kabuhayan ng mga Ehipsiyo . Ang Ilog Nile ang nagsilbing patubig at pampataba ng kanilang mga tinanim . Ang biyaya ng Ilog ang nagdala ng kaunlaran ng Egypt kaya inilarawan ni Herodotus , isang Griyegong historyador na
handog ng Nile ang Egypt .
Simula ng kabihasnan ng Egypt
 |
Menes |
May dalawang kaharian ang Egypt sa simula . Nasailalim ito sa panuno ni Menes noong 3100 BCE . Itinatag ni Menes ang kabisera ng
Memphis at itinguyod ang unang dinastiya sa Egypt ..
Sa paglipas ng panahon , may 31 dinastiya na namuno sa kaharian .
Hinati ng mga historyador ang mga kahariang ito sa tatlo :
- Lumang Kaharian
- Gitnang Kaharian
- Bagong Kaharian
Ang Lumang Kaharian
- Dito nagsimula tawagin ang mga pinuo ng Egypt na paraon . Itinuturi silang Diyos ng mga tao kaya ganap ang kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt . Ang Lumang Kaharian ay tinawag ring Panahon ng mga Piramide sapagkat sa panahong ito nagsimulang magpatayo ang mga paraon ng hugis piramide na mga libingan .
 |
Piramide ni Paraon Djoser |
Ang unang piramide ay ang kay Paraong Djoser na matatagpuan sa Saqqara . Ang mga sumusunod na paraon ay nagpatayo pa ng piramide nahigit na mas malaki kaysa sa kanilang pinalitan na paraon .
Nagwakas ang Lumang Kaharian dulot ng mga suliranin katulad nang kakulangan ng pagkain , magastos na halaga sa paggawa ng piramide at agawan ng kapangyarihan ng mga maharlika kay nahati ang Egypt sa maliliit na kaharian .
Ang Gitnang Kaharian
-Dahil sa pamumuno ng ikalawang Haring Mentuhotep , nagisa muli ang Egypt . Pinalakas niya ang pamamahala at kalakalan sa ibang lupain . Tinawag din ang Gitnang Kaharian na Panahon ng mga Maharlika dahil pinakilos ito ng mga maharlika . Nakipagugnayan din ang mga Ehipsiyo sa Syria at Crete . Ngunit , may isang pamayan na kung tawagin na Hyksos na mga migrante mula sa Palestine sa silangang bahagi ng Egypt . Unti-unti , lumakas ang kapangyarihan ng mga Hyskos hanggang nadaig nila ang mga paraon at nakatatag sila ng sariling dinastiya sa Egypt . Namuno sila ng 160 taon .
 |
Mentuhotep II |
Ang Bagong Kaharian
- nabuo ang kaharian ni Ahmose na nagpatalsik sa mga Hyksos . Nabuo niya muli ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes . Inayos niya ang pamahalaan at ibinalik ang pangangakal . Sinakop niya din muli ang Nubia at Canaan kaya tinawag din itong
Panahon ng Imperyo . Sa panahon ding ito nabilang ang unang paraong babae na si Reyna Hatsepshut . Nagdala siya ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 taon . Humalili sa Kanya si Thutmose na pinalaki pa ang teritoryo ng Egypt sa pagsasakop .
 |
Reyna Hatsepshut |
 |
Ahmose |
 |
Thutmose |
Tutankhamun - ang pinakabatang paraon , isang misteryo ang kaniyang kamatayan
 |
Gawa ng ginto ang libingan ni Thutankhamun |
Relihiyon
- Politeistiko din ang mga Ehipsiyo katulad ng mga taga-Mesopotamia . Mahigit 2000 ang kanilang mga diyos . Ilan ay sina :
 |
Ra - Diyos ng araw |
 |
Horus - diyos ng liwanag at kalangitan |
 |
Isis - Diyosa ng mga ina at asawa |
Mummification - proseso ng pagembalsamo ng katawan ng patay upang di mabulok
Sistema ng Pagsusulat
Hieroglyphics - sistema ng pagsusulat ng mga larawan na katumbas ng mga tunog
- Nakaimbento ang mga Ehipsiyo ng papel na ginawa nila mula sa
papyrus reeds .
 |
Ang papyrus reeds na ginawang papel ng mga Ehipsiyo |
Agham at Teknolohiya
-Nakabuo ang mga Ehipsiyo ng kalendaryo na nakabase sa bituin ng Sirius . Meron itong 365 araw at
nahahati sa 12 buwan na may 30 araw .
 |
Sirius (Canis Major) |
Kabihasnan sa India
Heograpiya
- Hilaga - Kabundukan ng Hindu Kush , Karakoram at Himalaya
- Silangan - Disyerto ng Thar
- Kanluran - Bulubundukin ng Sulayman at Kirthar
Sumibol ang kabihasnan ng India sa lambak-ilog ng Indus .
Noong 2500 BCE , naggawa ang mga taga-Indus ng lungsod na gawa sa laryo . Ilan sa kanila ay ang :
- Kalibangan
- Mohenjo-Daro
- Harappa
Nakalatag ang kanilang mga gusali na pang grid system .
Panahong Vediko ng mga Aryano (1500 BCE)
Antas ng tao sa lipunan
Nagpasimula ang mga Aryano ng sistemang kasta . Ang apat na kasta ay ang mga :
- Brahmin - buo ng kaparian
- Kshatriya - pinuno ng mga mandirigma
- Vaishya - mangangalakal at magsasaka
- Shudra - mga lahing hindi Aryano
May mga itinuring naman na hindi kabilang sa kasta na mga
dalit o untouchable . Sila ang mga taong may hindi malinis na trabaho .
Panitikan
Dalawang dakilang epiko ang nanggaling sa India -
Mahabharata at ang
Ramayana .
 |
Mahabharata - tula na tungkol sa siang digmaa , binuo ng 90 000 taludtod |
 |
Ramayana - tula tungkol kay haring Rama at asawang si Sita |
Pananampalataya ng mga Aryano
Buddhismo - tinuro ni Siddharta Gautama , ang nakakita ng Four Noble Truths .
 |
Si Siddharta Gautama |
Jainismo - si
Vardhamana ang nagtatag ng Jainismo at tinanghal siya bilang
Mahavira o dakilang bayani
Kabihasnan sa China
Heograpiya
-Sa lambak sa pagitan ng ilog Yangtze at Huang Ho sumibol ang unang pamayan sa China . Ang mga hangganan ng lambak sa hilaga ay ang Disyerto ng Gobi . Sa silangan naman ay ang Karagatang Pasipiko . Sa kanluran naman ay ang mga Kabundukan ng Tien Shan at Himalaya at sa katimugan naman ay ang kagubatan ng Timog-Silangang Asya .
 |
Ilog Yangtze |
 |
Mapa ng Gobi Desert |
Mga Unang Dinastiya
 |
Yu |
Dinastiyang Hsia - pinagisa ang pamayanan ng Hsia ng mga taga Huang Ho . Ang unang hari nito ay si
Yu , isang inhinyero at matimatiko . Sa pamumuno ni Yu , nagsagwa ang mga Tsino ng mga proyektong pang-irigasyon .
Dinastiyang Shang - (1500 BCE) panahon ito kung saan nagumpisa ang sistema ng pagsusulat , kaalaman sa paggamit ng bronse , at ang pag-antas ng lipunan .
 |
isang taganuno sa Shang Dynasty |
 |
Oracle bones |
Dinastiyang Zhou - (1027 BCE) napatalsik ang Dinastiyang Shang pero patuloy pa rin ang konsepto ng
Tian Ming o mandato ng langit na ang hari ang kinakatawang langit sa mundo . Tinawag din ang panahong ito na
Panahon ng mga Nagdidigmaang Estado .
 |
isang taganuno ng Dinastiyang Zhou |
Dinastiyang Qin - tinawag ng pinuno ng Qin ang kanyang sarili na Shi Huandi na ibig sabihin ay "unang emperador . Sa Xianyang niya pinatira ang mga pamilyang maharlika . Inutos ni Shi Huandi ang pagsunog ng isinulat ng mga guro ng Confucianismo at ang pagpaslang sa kanila . Tinawag itong autocracy . Gumawa sila ng pader na kilala ngayon bilang Great Wall Of China . 208 BCE - bumagsak ang dinastiya .
 |
Shi Huangdi |
 |
Ang pagwakas ng Confucianismo |
 |
Great Wall of China |
Mga Piliosopiya
Confucianismo - pinanguna ni Confucius na isang iskolar at ayon sa kanya , dapat may jen bawat isa . Naniniwala siya na dapat tayo ay may mga mabubuting asal at mahal ang kaniyang kapwa .
 |
Confucius |
Taoismo - ayon ito kay Lao Tzu , ang sabi niya para makamit ang kapayapaan dapat magpaubaya sa natural na takbo ng kalikasan . May aklat siya na
Tao Te Ching . Ang Yin at Yang ang balanse ng isang ugnayan para mapanatili ang kapayapaan .
 |
Lao Tzu |
 |
isang pinabagong bersyon ng Tao Te Ching |
 |
Ang Yin at Yang |
Legalismo - dalawang tao ang nagsulong ng pilosopiyang ito , sina Hanfeizi at Li Su . Ayon sa kanila , ang isang malakas at mahusay na pamahalaan ang mga batas upang mawakas ang kaguluhan .
 |
Si Hanfeizi |
Iba pang Kabihasnan sa Asya
Ang mga Hitito
 |
Naggamit sila ng mga chariots |
Nagmula sila sa Gitnang Asya noong 1650 BCE . Itinatag nila ito sa kabisera ng Hattusass .
Ang mga Phoneniciano
Magagaling sila na mga manggawa ng barko , manlalayag at mangangalakal .
 |
Alpabeto ng mga Phoeniciano |
Ang mga Persyano
Sa kasalukuyuan , ang Persia ay ang Iran .
 |
Mga Persyano |
Ang mga Kabihasnan sa America
Ang mga Olmec
Tinatawag na mga rubber people at naninirahan sa sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1200 BCE . Ang sinasabing baase culture ng America .
 |
Monumentong nilikha ng mga Olmec |
Ang mga Teothihuacano
Matatagpuan sa Lambak ng Mexico na tinawag na Lupain ng mga Diyos .
 |
Isang Teothihuacano |
Ang mga Mayan
 |
Ang pagsakripisyo ng tao sa kanilang mga diyos |
Ang mga Aztec
 |
Ang kanilang pamumuhay |
Ang mga Inca
 |
Ang Kultura ng mga Inca |
Kabihasnan sa Africa
Ang mga Kushite
 |
Haring Pianki |
Ang mga Aksumite
 |
isang taganuno ng mga Aksumite |
Kabihasnan sa Pasipiko
Rehiyon ng Oceania :
- Polynesia - bahagi nito ang Hawaii , New Zealand at Easter Islands . Halaw ang pangalan nito sa salitang Griyego na polus o marami at nesos o mga pulo .
- Micronesia - bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas . Halaw ang pangalan nito sa salitang Griyego na mikros o maliliit at nesos o mga pulo .
 |
Kultura ng mga taga- Micronnesia |
- Melanesia - ang mga tagarito ay mayroong mga maiitim na balat . Halaw ang pangalan nito sa salitang Griyego na melas o maitim at nesos o mga pulo .
 |
Mga Melanesians |
~ No Copyright infringement intended . All the pictures belong to their rightful owners and all information is from the book "Pagtanaw at Pagunawa : Daigdig " by Diwa Textbooks . Please be informed that this is for a school project . Thankyou ! ~
Thank you very much it helps me a lot..
ReplyDelete